Mga Talsik Ng Liwanag
Mainit noong araw na iyon at nagpapahinga kami ng apat na taong gulang na apo kong si Mollie. Habang nakaupo sa may balkonahe at umiinom ng tubig, tumingin si Mollie sa labas at sinabi, “Tingnan n’yo po ‘yung mga talsik ng liwanag.” Tumatagos ang liwanag ng araw sa makakapal na dahon at gumagawa ng anyo ng liwanag sa gitna ng…
Lumayo Sa Kasalanan
Dalawang beses akong nagdusa ngayong tag-init dahil sa kanipay o poison ivy. Nangyari pareho nang nag-aalis ako ng mga talahib sa bakuran. Nakita ko naman na nasa malapit ang kaaway na may tatlong dahon pero naisip kong makakalapit ako nang hindi naaapektuhan nito. Mali. Imbes na lumapit sa maliliit na luntiang kaaway, lumayo dapat ako!
Tulad sa kuwento ng lingkod…
Para Sa Sunflower
Magkaiba kami ng layunin sa sunflower (bulaklak na mirasol) ng mga usa sa lugar namin. ‘Pag nagtatanim ako, nananabik akong makita itong mamulaklak. Pero gusto lang ng mga usa na nguyain ang mga dahon at sanga hanggang walang matira. Taun taon ang laban – sinusubukan kong alagaan ang sunflower hanggang mamulaklak na hindi nalalamon ng mga usa. Minsan panalo ako; minsan naman,…
Pitong Iba Pa
Noong Enero 2020, napabalita ang pagkamatay ng sikat na basketball player na si Kobe Bryant dahil sa pagbagsak ng helicopter. Karamihan sa mga balita ay ganito ang sinasabi, “Namatay sa isang aksidente ang sikat na manlalaro na si Kobe Bryant, ang kanyang anak na si Gianna, at pitong iba pa.”
Kalimitan sa mga ganitong balita ay mas binibigyang pansin natin ang…
Nilinis
Inilarawan ni Bill na aking kaibigan si Gerard na kanyang nakilala. Sinabi ni Bill, na lubhang napakalayo ni Gerard sa Dios sa matagal na panahon kung titingnan ang pamumuhay niya. Pero, matapos ipahayag ni Bill kay Gerard ang tungkol sa paraan ng kaligtasan na iniaalok ng Dios, nagtiwala si Gerard sa Panginoong Jesus. Umiiyak habang nagsisisi at nagpahayag ng pagtitiwala…